Pagdaraos ng in-person Christmas party, papayagan na ng DILG pero kailangan sumunod sa health protocols

82

Papayagan na ang in-person Christmas party ngayong December para sa mga lugar na nakasailalim sa Alert Level 2.

Pero ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Usec. Jonathan Malaya, kailangang nasusunod ang health protocols at naoobserbahan ang 50% venue capacity limit.

Ang sinumang hindi susunod ay mahaharap sa parusa kung saan posibleng bawiin ang kanilang lisensya at ma-suspend ang business permit.


Hanggang sa December 15 isasailalim sa Alert Level 2 ang Metro Manila.

Facebook Comments