Umabot na sa 185,000 Overseas Filipino Workers (OFWs) na nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 pandemic ang natulungan ng pamahalaan na makauwi sa kanilang mga probinsya.
Sa tala ng Department of Labor and Employment (DOLE), 185,750 OFWs ang nakauwi na sa mga probinsya mula nitong September 6.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello, patuloy ang kanilang pagtulong sa mga OFW lalo na at marami pa ring migrant workers ang nire-repatriate.
Una nang inanunsyo ng DOLE na inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paglalabas ng karagdagang ₱5 billion para sa repatriation at assistance sa mga OFW na apektado ng COVID-19 pandemic.
Ang malaking bahagi ng pondo ay ilalaan sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at sa Abot Kamay ang Pagtulong (AKAP) program kung saan binibigyan ang mga pandemic-affected OFWs ng one-time cash assistance na ₱10,000 o $200.