You're viewing an older RMN Networks article from our archives.

186, naaresto dahil sa paglabag sa liquor ban

Nasa 186 na indibidwal na ang naaresto, ilang oras lang matapos ipatupad ang liquor ban simula kaninang alas 12:01 ng madaling araw.

 

Ayon kay NCRPO Director Major General Guillermo Eleazar mula ito sa 67 operasyong naikasa nila sa kalakhang Maynila.

 

Pinakamaraming lumabag ay naitala sa Quezon City, 106; tig-dalawampu’t lima naman mula sa mga lugar na sakop ng Manila Police District at Northern Police District; 23 sa Southern Police District at pito sa Eastern Police District.

 

Personal ding inikot ni Eleazar ang mga busines establishment na nagbebenta ng mga alak.

 

Facebook Comments