Ilan pang kompanya ng langis, nag-anunsyo ng bigtime rollback sa gasolina

Nag-anunsyo na rin ng bigtime rollback sa presyo ng gasolina ang ilan pang kompanya ng langis.

 

Epektibo alas 6:00 ng umaga sa martes, magpapatupad ng P1.25 na bawas-presyo sa kada litro ng gasolina ang petro gazz.

 

Ngayong araw naman epektibo ang kaparehong bawas-presyo ng Seaoil.


 

Magtatapyas din ito ng P0.30 sa presyo ng kada litro ng kerosene habang walang paggalaw sa presyo ng diesel.

 

Kahapon, nauna nang nagpatupad ng rollback na P1.30 sa gasolina ang Phoenix Petroleum.

 

Facebook Comments