
Nagtapos sa Theoretical Driving Course ang 188 agrarian reform beneficiaries mula sa unang distrito ng Pangasinan sa libreng pagsasanay na isinagawa sa tulong ng Department of Agrarian Reform at Land Transportation Office – Alaminos City District Office.
Layunin ng programa na mabigyan ang mga benepisyaryo ng sapat na kaalaman sa tamang pagmamaneho, mga batas-trapiko, at responsableng paggamit ng kalsada.
Ayon sa LGU Alaminos City, bahagi ito ng patuloy na pagtutulungan ng mga ahensya ng pamahalaan at ng lokal na pamahalaan upang maisulong ang kaligtasan sa lansangan at makapagbigay ng dagdag na oportunidad sa mga agrarian reform beneficiaries.
Sa pamamagitan ng naturang pagsasanay, inaasahang mas magiging handa ang mga kalahok sa pagsunod sa mga alituntunin sa kalsada at sa ligtas na pagmamaneho. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










