Patuloy na nakakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng mga aftershocks sa ilang bahagi ng Surigao del Sur kasunod ng tumamang magnitude 7.5 na lindol .
Batay sa monitoring ng PHIVOLCS – Department of Science and Technology (DOST), hanggang kaninang 1:00 PM ay mayroon nang 1,898 na aftershocks ang naitala.
Mula rito, 355 ang plotted earthquakes o natukoy ng tatlo o higit pang istasyon habang 19 na may kalakasan pagyanig ang naramdaman ng mga residente.
Ang may mga lakas na mula magnitude 1.4 – 6.6 ang naitala
Facebook Comments