Pagsabog sa Marawi City, hindi suicide bombing – PNP

Walang indikasyon na suicide bombing ang nangyaring pagsabog sa Mindanao State University (MSU) sa Marawi City kahapon ng umaga.

Ayon kay Philippine National Police Public Information Office (PNP PIO) Chief PCol. Jean Fajardo ang apat na nasawi na kinabibilangan ng isang lalaki at tatlong babae ay pawang mga Kristiyano.

Gayunpaman, iniimbestigahan ng pulisya ang lahat ng posibleng motibo at ang posibleng nasa likod ng pagsabog.


Nabatid na mayroon nang dalawang persons of interest sa insidente at tinitingnan ang pagkakasangkot nila sa mga nakaraang bus bombing sa Mindanao.

Bagama’t inako na ng ISIS ang nangyaring pagsabog, nilinaw ni Fajardo na ibabase nila sa makukuhang ebidensya ang kanilang imbestigasyon.

Facebook Comments