Ipinadala na ngayong araw sa tanggapan ni dating Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo Teves Jr., ang liham o notice na nagsasaad ng pagpapatalsik sa kanya sa Mababang Kapulungan.
Ayon kay House Secretary General Reginald Velasco, kasamang ipinadala sa tanggapan ni Teves sa Batasan Pambansa ang Committee Report No. 717.
Laman ng report ang rekomendasyon ng House Committee on Ethics and Privileges na tanggalin sa Kamara si Teves na sinuportahan naman ng 265 mga mambabatas.
Kapansin-pansin sa liham ang hindi na pag-address o pagtawag kay Teves bilang congressman o representative kundi simpleng Mr. Arnolfo Teves na lang.
Sabi ni Velasco, ang mga staff ng mga kongresista ay co-terminus kaya sa paglaglag kay Teves sa Kamara ay kailangan na ring bakantehin ng kanyang mga staff ang kanyang tanggapan.
Ayon kay Teves, ito-turn over na ito sa magiging caretaker ng distrito ni Teves na hindi pa napapagpasyahan ng liderato ng House of Representatives.