Limang biktima ng human trafficking, nasagip sa Batangas Port

Nasagip ng Philippine Coast Guard (PCG) ang limang indibidwal na biktima ng human trafficking na sakay ng RoRo/passenger vessel sa Batangas port, habang arestado naman ang dalawang katao.

Ayon sa PCG, umalis ang mga naturang indibidwal mula Culasi Port, Roxas City patungong Batangas Port via Tablas Port sa Odiongan, Romblon.

Nang makatanggap ng ulat, agad na nakipag-ugnayan ang PCG sa kanilang mga tauhan na sakay rin ng nasabing barko.


Kinausap ng Coast Guard ang kapitan ng barko upang ma-monitor ang kanilang lokasyon.

Matapos maaresto ang mga suspek, ang mga biktima ng human trafficking ay itinurn-over sa Philippine National Police (PNP) Women and Children Protection Desk sa Batangas City at Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa pagsasampa ng kaso, counseling, at stress debriefing.

Facebook Comments