Mahigpit na tinututulan ng mga grupo ng mangingisda ang plano ng Japanese government na magtapon sa Pacific Ocean ng 1.3-M na toneladang Wastewater mula sa Fukushima nuclear plant.
Ayon sa grupong Pamalakaya, banta ito sa kabuhayan ng mga lokal na mangingisda na umaasa sa marine resources.
Ayon sa grupo, namemeligro dito ang resource-rich Philippine Rise o ang dating Benham Rise na nasa silangang bahagi ng Luzon.
Maliban sa iba’t ibang marine resources, mayaman din ang Philippine Rise sa mineral at gas deposits.
Nanagawan ang grupo sa Department of Natural Resoures (DENR) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na suportahan ang boses ng mga mangingisda, mga environmentalists, at mga experto na kumokondena sa naturang hakbang.
Facebook Comments