Nasa kamay na ng Land Bank of the Philippines (LBP) ang listahan ng mga benipisyaryo ng fuel subsidy.
Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), nasa kabuuang 128,912 unit ng Public Utility Vehicles (PUV) sa buong bansa ang napabilang sa listahan ng kwalipikadong benepisyaryo ng programa.
Batay na datos ng LTFRB, nasa ₱840,612,500 na ang halaga na ang naipamahagi ng ahensya sa Land Bank upang ipamigay sa mga benepisyaryo ng programa.
Samantala batay naman sa bilang nasa 92,755 na mga benepisyaryo na ang nakatanggap ng fuel subsidy o katumbas sa ₱483,748,500 na halaga ng subsidiyang naipamigay.
Tiniyak naman ng LTFRB na patuloy ang pamamahagi nila ng fuel subsidy upang matulungan na rin ang mga apektadong driver sa patuloy na pagtaas ng mga produktong petrolyo sa bansa.