Mabagal na pagbabayad ng utang ng PhilHealth sa mga pribadong ospital, ikinadismaya ng isang senador

Dismayado ang ilang senador sa kabagalan ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth sa pagbabayad ng utang sa mga pribadong pagamutan.

Giit dito ni Senator Pia Cayetano, ‘long overdue problem’ na ng PhilHealth ang pagbabayad ng kanilang mga obligasyon sa pribadong sektor.

Aniya, maraming pribadong ospital na ang nagagalit sa PhilHealth dahil naiipit ang kanilang pondo.


Pinaalalahanan ni Cayetano ang PhilHealth na mahalagang mapanatili ang magandang partnership ng gobyerno sa pribadong sektor.

Nangako naman ang PhilHealth sa mga senador na agad isasaayos ang lahat ng kanilang record upang matapos ang kanilang mga obligasyon.

Facebook Comments