Notorious ‘red-taggers,’ hinatulang guilty ng Ombudsman

Hinatulang guilty ng Office of the Ombudsman sina dating National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) officials na sina Lorraine Badoy at Antonio Parlade Jr. sa kasong administratibo.

Sa inilabas na desisyon ng Ombudsman, pinatawan ang dalawa ng reprimand kasunod ng paglabag sa Conduct Prejudicial to the Best Interest of the Service.

Binalaan din ang dalawa na maaaring makatanggap ng mas mabigat na parusa sakaling ulitin ng mga ito ang ginawang pangre-red-tag.


Matatandaang nagsampa ng reklamo sa Ombudsman ang National Union of People’s Lawyers (NUPL) matapos i-red-tag ng mga opisyal ang kanilang mga miyembro.

Samantala, inabswelto ng Ombudsman si Hermogenes Esperon Jr. sa nasabing reklamo.

Facebook Comments