PRO-MIMAROPA director, pinangunahan ang surprise drug test sa rehiyon

Nanguna si Police Regional Office (PRO) MIMAROPA Regional Director Police Brig. General Joel Doria sa isinagawang surprise drug test sa 42 matataas na opisyal ng PNP sa rehiyon.

Ang surprise drug test ay isinagawa kahapon kasunod ng Command Conference sa PRO-MIMAROPA Regional Headquarters sa Camp Navarro, Calapan Oriental Mindoro.

Ayon sa opisyal ang hakbang ay bahagi ng pakikiisa ng PRO-MIMAROPA sa internal cleansing program ng PNP at sa kampanya kontra sa ilegal na droga.


Ipinapakita aniya nito ang kanilang commitment na itaguyod ang pinakamataas na antas ng integridad at propesyonalismo sa organisasyon.

Samantala, lumabas na negatibo sa droga ang 42 mga opisyal na isinagawa ng Regional Forensic Unit MIMAROPA.

Facebook Comments