19-anyos at kanyang Kaibigan, Huli sa Pagbebenta ng Iligal na Droga

23

Cauayan City, Isabela- Timbog ang magkaibigan sa ikinasang drug buy-bust operation ng operatiba pasado 11:00 kagabi sa Brgy. Santa Barbara, City of Ilagan, Isabela.

Kinilala ang mga suspek na sina Lorence Alano, 22-anyos at residente ng Brgy. Guinatan at Jan Micheal Agapito, 19-anyos at residente ng Brgy. Alibagu sa nasabing siyudad.


Positibong nakabili ng pinatuyong dahon ng marijuana ang isang operatiba na nagpanggap na poseur buyer kay Jan Michael kapalit ang P500.

Nakumpiska sa pag-iingat ng Agapito ang isang (1) piraso ng 9mm live ammunition, isang (1) cigarette foil n anaglalaman ng marijuana residue habang kay Alano ay isang cellphone.

Nabatid na si Agapito ay dati ng nahuli sa kaparehong pagtutulak ng iligal na droga.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na nasa kustidoya ngayon ng pulisya.




Facebook Comments