Fire Officer ng BFP Isabela, Huli sa Pagbebenta ng Shabu

60

Cauayan City, Isabela- Naaresto ang isang kasapi ng Bureau of Fire Protection na nakatalaga sa BFP Provincial Office bandang 11:45 kaninang umaga sa Brgy Ipil, Echague, Isabela.

Kinilala ang suspek na si FO1 Karl Bryan Ballesteros, 33-anyos, may-asawa at residente sa nasabing lugar.


Umakto ang isang operatiba na poseur buyer na nagresulta ng pagkadakip sa nasabing kasapi ng ahensya ng pamatay sunog.

Nakumpiska sa pag-iingat ng suspek ang isang (1) pakete ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P1,000 habang narekober sa sasakyan ng suspek ang drug paraphernalia at dalawang (2) piraso pa ng suspected shabu na tumitimbang ng 1 gramo.

Sasampahan ng kasong paglabag sa Section 5,11 at 12 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at nasa pangangalaga ng Echague Police Station.


Facebook Comments