19 anyos na Lalaki, Inaresto sa Kasong Panggagahasa!

Cauayan City, Isabela- Arestado ng mga otoridad ang 19 anyos na lalaki na nahaharap sa kasong rape o panggagahasa sa Brgy. Nuesa, Roxas, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan, ang akusado ay kinilalang si Joshua Acupido, 19 anyos, binata, magsasaka at residente ng Brgy. Nuesa, Roxas, Isabela.

Si Acupido ay hinuli ng tropa ng PNP Roxas kagabi sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni hukom Ariel M. Palce ng RTC BR 23, Roxas, Isabela noong December 12, 2019.


Posibleng hindi na makalabas ng kulungan ang akusado dahil walang inilaang piyansa ang korte sa kanyang kinakaharap na kaso.

Facebook Comments