19-ANYOS NA LALAKI, KULONG SA PAGTUTULAK NG DROGA

Cauayan City, Isabela- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang isang labing siyam na taong gulang na lalaki matapos maaresto sa ikinasang drug buy-bust operation ng pinagsanib na pwersa ng kapulisan ng Lungsod ng Cauayan; Isabela Police Provincial Office (IPPO); Provincial Intelligence Unit at Provincial Drug Enforcement Unit.

Nadakip sa Albano st., ng Barangay District 3 dito sa Lungsod ng Cauayan ang suspek na kinilalang si Aeron Carlo Javier, binata at residente ng nabanggit na barangay.

Agad na dinakip ang suspek matapos mabentahan ng isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu ang isang nagpanggap na poseur buyer.

Nakuha naman mula sa pag-iingat ng suspek ang ginamit na buy bust money na isang One Thousand peso bill; isang improvised tooter; isang crumpled unused foil; isang unit ng smart cellphone; pera na nagkakahalaga sa P458.00 <45800>; at isang itim na pitaka.

Kasalukuyan namang nakapiit sa lock-up cell ng Cauayan City Police Station ang suspek na itinuturing na newly identified ng pulisya matapos itong masampahan ng kaso nitong Huwebes, August 25, 2022.

Facebook Comments