19 Bayan ng Cagayan, Zero COVID-19 Cases na

Cauayan City, Isabela- Labing siyam (19) na bayan ng Cagayan ang COVID-19 Free batay sa pinakahuling datos ng Provincial Epidemiology and Surveillance Unit (PESU) nitong March 24,2022.

Kinabibilangan ng Alcala, Allacapan, Ballesteros, Buguey, Calayan, Camalaniugan, Claveria, Enrile, Gonzaga, Iguig, Lal-lo, Lasam, Rizal, Sanchez Mira, Sta. Ana, Sta. Praxedes, Sta. Teresita, Sto. Niño, at Tuao.

Sa ngayon, nasa labing-pito (17) ang aktibong kaso ng buong probinsya.

Wala namang naitala ang Provincial Epidemiology and Surveillance Unit (PESU) na panibagong COVID related death kung saan nanatili sa 2,461 ang total death sa buong lalawigan.

Patuloy pa rin ang paghimok sa publiko na sumunod sa pinapairal na health and safety protocol upang makaiwas sa banta ng COVID-19.

Facebook Comments