19 na baboy, nagdulot ng traffic sa isang highway sa Japan matapos makatakas sa kanilang delivery truck

Japan – Nagdulot ng traffic sa isang highway ang 19 na baboy matapos makatakas sa kanilang sinasakyang farm truck sa Japan.

Sa ulat, nag-overtake ang 61 years old na driver ng truck sa kasunod niyang sasakyang sa Hanshin Expressway kung kaya’t nabangga niya ito at nagdulot ng pagkasira ng hawla ng mga baboy.

Agad namang nagsitalunan ang mga baboy papalabas ng farm truck at nagkalat na sa paligid ng naturang highway.


Nabatid na tumagal ng limang oras ang paglilinis ang pagtatanggal sa mga nasabing bilang ng baboy.
DZXL558

Facebook Comments