Rachelle Ann Go, wagi sa 2017 Theater Fans Choice Awards sa New York

New York – Wagi ang singer at tanyag ngayong broadway singer na si Rachelle Ann Go sa katatapos lamang na 2017 Theater Fans Choice Awards sa New York.

Itinanghal si Rachel bilang Best Feature Actress in a Musical para sa kanyang pagganap sa role na si Gigi Van Tranh sa Miss Saigon noong 2014.

Nabatid na ikatlong parangal na ito na natanggap ni Rachelle para sa sikat na Broadway Musical.


Matatandaang noong 2014, natanggap ni Rachelle ang parangal na Best Featured Actress in a New Production of a Musical mula sa Broadway World UK o West End Awards habang noong 2015 naman ay napanalunan niya ang Best Supporting Actress in a Musical Award mula sa 15th Annual Whatsonstage Awards.
DZXL558

Facebook Comments