19 na bangkay – ang ilan ay ‘chop-chop,’ natagpuan sa Mexico

Natagpuan ang aabot sa 19 na bangkay ng tao, ilan sa mga ito ay chop-chop sa Michoacan State, Mexico.

Ito ay kasabay ng paglaban ng bagong militarized police force na ‘national guard’ sa tumataas na karahasan sa estado.

Maliban sa mga na-chop-chop na tao, ilan sa mga katawan ay tadtad ng tama ng baril.


Ilan sa mga lokal na residente ay bumuo na rin ng “self-defense groups” para labanan ang krimen.

Nasa 80,000 tropa na ang ipinakalat kung saan inatasan din sila na ayusin ang migration.

Facebook Comments