Dagdag na alternatibong daan para sa bahagyang pagsasara ng Kamuning Flyover Southbound, inilatag ng MMDA

Naglatag na ng mga karagdagang alternatibong ruta ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) bilang paghahanda sa oras na isara ang bahagi ng Kamuning Flyover Southbound sa Quezon City simula sa May 1.

Sa abiso na inilabas ng MMDA, dahil sa inaasahang mahaba at mabigat na daloy ng trapiko ang ilang motorista ay inaabisuhan na kumanan na sa bahagi pa lamang ng West Avenue mula sa EDSA tawid ng Quezon Avenue papasok ng Timog at labas ng EDSA.

Matatandaan na una nang tinukoy na alternatibong daan ng MMDA ang Mother Ignacia, Eugenio Lopez Drive, Scout Borromeo, Sgt. Esvuerra, Samar Avenue , Timog Avenue at iba pa.


Facebook Comments