19 na lugar sa Luzon, isinailalim na sa TCWS No. 1 dahil sa bagyong “Tonyo”

Patuloy na kumikilos pa-Kanluran Hilagang-kanluran ang Tropical Depression “Tonyo” habang tinutumbok ang silangang bahagi ng Quezon-Batangas area.

Base sa 8AM bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 70 kilometers Timog-kanluran ng Alabat, Quezon.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers per hour at pagbugsong 60km/h.


Samantala, itinaas na ang Tropical Cyclone Wind Signal Number 1 sa 19 na lugar sa bansa kabilang ang:

1. Camarines Norte
2. Kanlurang bahagi ng Camarines Sur (Cabusao, Libmanan, Sipocot, Lupi, Ragay, Del Gallego, Pamplona, Pasacao)
3. Quezon kabilang ang Polillo Islands
4. Cavite
5. Laguna
6. Rizal
7. Batangas
8. Metro Manila
9. Bataan
10. Bulacan
11. Pampanga
12. Katimugang bahagi ng Nueva Ecija (General Tinio, Santa Rosa, Zaragoza, Gabaldon, Laur, Palayan City, Cabanatuan City, Aliaga, Quezon, Licab, Peñaranda, Gapan City, San Leonardo, Jaen, San Isidro, Cabiao, San Antonio)
13. Katimugang bahagi ng Tarlac (Victoria, Pura, Gerona, Santa Ignacia, Mayantoc, La Paz, Concepcion, Tarlac City, San Jose, Bamban, Capas)
14. Katimugang bahagi ng Aurora (Dingalan)
15. Gitna at katimugang bahagi ng Zambales (Masinloc, Palauig, Iba, Botolan, Cabangan, San Felipe, San Narciso, San Marcelino, San Antonio, Castillejos, Subic, Olongapo City)
16. Marinduque
17. Hilagang bahagi ng Romblon (Romblon, San Andres, Calatrava, San Agustin, Corcuera, Banton, Concepcion)
18. Hilaga at gitnang bahagi ng Oriental Mindoro (Bongabong, Gloria, Pinamalayan, Socorro, Pola, Naujan, Victoria, Calapan City, Baco, San Teodoro, Puerto Galera)
19. Hilaga at gitnang bahagi ng Occidental Mindoro (Sablayan, Santa Cruz, Mamburao, Paluan, Abra de Ilog) including Lubang Island

Inaasahang magla-landfall ang bagyo sa Sariaya, Quezon o sa San Juan, Batangas.

Alas 4:30 kaninang madaling araw nang unang tumama ang bagyo sa Torrijos, Marinduque.

Facebook Comments