Tinatayang aabot sa mahigit 19 na milyong boto ang nawala sa partylist nitong nakalipas na May 13 elections.
Pinaniniwalaang malaking dahilan ng pagbaba sa boto ng mga Partylists ay ang pag imprenta sa mga ito sa likuran ng balota.
Ayon kay Ako Bicol Rep. Alfredo Garbin, sa kabuuang 47 milyong bumoto noong eleksyon nasa 27.6 milyon lamang sa mga ito ang pumili ng partylist.
Paliwanag ni Garbin, Disaster para sa partylist ang ginawa ng Comelec na pagpapalit ng design ng balota dahil hindi alam ng nasa 19 milyong bumoto na nasa likod ng bolota ang para sa partylist groups.
Dapat aniya ay nasa page one ng balota ang partylist kasama ng ibang mga national position tulad ng mga nakalipas na automated elections.
Pinuna rin ng mambabatas ang naging sitwasyon ng nga senior citizen sa mga voting centers na ang iba ay kinailangan pang umakyat ng gusali para kunin ang balota sa kanilang polling precinct.