19 na Pinoy, sugatan sa road accident sa Rome, Italy

Sugatan ang labinsiyam na Pinoy sa aksidenteng naganap sa Via Cassia, Rome, Italy noong Oktubre 16.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), kaagad silang nakipag-ugnayan sa pamilya mga Pilipinong nasaktan para ipaalam ang sakunang kinasangkutan ng isang pampublikong sasakyan.

Pagtitiyak ng kagawaran, walang OFW na nasa kritikal ang kondisyon pero karamihan sa mga biktima nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan at muscle trauma.


“Nine were interviewed, all of whom said have received immediate medical attention. They also claimed to have suffered muscle trauma. Three of them sustained wounds on the forehead while two had fractures on their shoulder and leg,” pahayag ng embahada ng Pilipinas sa Italya.

Patuloy pa rin ang koordinasyon sa pagitan ng embahada at awtoridad sa Italy upang malaman ang sanhi ng aksidente at handa silang magbigay ng tulong-pinansyal sa mga Pilipinong biktima.

Facebook Comments