Tsuper, Arestado sa Pag-iingat ng Baril at Droga!

Cauayan City, Isabela- Inaresto ng mga otoridad ang isang lalaki matapos itong makuhanan ng iligal na baril sa Brgy. Abulan, Jones, Isabela.

Kinilala ang nadakip na si Jhoel Teo alyas Muslim, nasa hustong gulang, may asawa at residente ng Brgy 2, Jones, Isabela.

Nahuli si Teo matapos na rumesponde ang PNP Jones sa sumbong ng isang concerned citizen na may dala-dalang baril ang suspek.


Narekober sa pag-iingat ng suspek ang isang Caliber 38 na may limang bala, isang sachet ng pinaniniwalaang shabu at isang unit ng motorsiklo.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 10591 at RA 9165 ang suspek na ngayo’y nasa kustodiya ng pulisya.

Facebook Comments