MANILA – Isasailalim na sa summary hearing ang 19 na pulis na kabilang sa nag isyu ng search warrant laban sa nasawing si Mayor Rolando Espinosa.Ito ay matapos na makumpleto na ng PNP Internal Affairs Service (IAS) ang hawak nilang ebidensya laban sa mga ito.Ayon kay IAS Inspector General Chief Supt. Angelo Leuterio, ilan sa hawak nilang ebidensya ngayon ay ang mga salaysay ng 21 mga testigo sa krimen.Ang mga testigong ito ay mga jail guard, mga pulis na nagbabantay noon kay Mayor Espinosa, mga kapwa inmate ng alkalde at ang mga rumesponde sa crime scene na mga miyembro ng SOCO at crime lab.Posible anyang abutin ng hanggang 3 buwan ang summary hearing, pero pipilitin nilang maging mabilis ang pagdinig lalo’t naka-abang ang publiko sa resulta ng imbestigasyon ng Philippine National Police (PNP).Sa oras naman na mailabas na ng summary hearing officer ang hatol sa bawat isang pulis na kasama sa kinukwestyong operasyon.Ito ay aaprubahan ng hepe ng IAS at ipapasa ang rekomendasyon kay PNP Chief Ronald Dela Rosa na siyang magdedesisyon kung tuluyang masisibak sa serbisyo o hindi ang 19 na pulis.
19 Na Pulis Na Kasama Sa Pag-Isyu Ng Search Warrant Sa Nasawing Si Mayor Espinosa, Isasalang Na Sa Summary Hearing
Facebook Comments