19 nawawala dahil sa sama ng panahon – NDRRMC

Patuloy na nadadagdagan ang bilang ng mga nawawala dahil sa naranasang sama ng panahon sa ilang bahagi ng bansa.

Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umaabot na sa 19 ang napaulat na nawawala at 3 ang nasaktan.

Habang nasa 6 na indibidwal naman ang napaulat na nasawi kung saan 4 dito ay galing Region 10 at 2 naman ay galing sa Region 5.


Samantala, sinabi rin ng NDRRMC na 23, 762 na mga pamilya o katumbas ng 100, 691 na indibidwal ang naapektuhan ng malakas na ulan sa Region 4B, 5, 8, 9 at 10.

Facebook Comments