Revenue collections ng bansa, pumalo na sa ₱3.2-T – DOF

Pumalo na sa ₱3.2 trillion ang halaga ng revenue collections ng bansa ngayong taon.

Batay sa year-end report ng Department of Finance (DOF), lumagpas ng 2.2% ang revenue target nito para sa taong 2022.

Dagdag pa ng DOF, posibleng makuha rin ng national government sa susunod na taon ang $19.1 -B para sa Official Development Aid (ODA); $9.2-B sa mga loans mula sa multilateral partners; at $9.8-B naman para sa mga pautang mula sa mga bilateral lenders.


Target din ng ahensya na maisama sa mga plano ang mga pangunahing hakbang gaya ng excise tax on single-use plastics, value added tax sa digital service providers, ease of paying taxes, at ang mining fiscal regime para sa susunod na taon.

Facebook Comments