19 STL agents, compliant na – PCSO

Aabot sa 19 na Small Town Lottery (STL) Authorized Agent Corporations (AACS) ang nakasunod sa kondisyong inilatag sa kanila para maipagpatuloy ang kanilang operasyon.

Ayon kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Royina Garma, pwede nang maipagpatuloy ng mga compliant AACS ang kanilang operasyon kapag naaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang implementing rules and regulations o IRR ng STL.

Sinabi ni Garma na ang revised IRR ay naisumite na sa Office of the President (OP) at umaasa silang malalagdaan ito pagbalik ng Pangulo mula sa kanyang official visit sa China.


Ibinunyag din ng PCSO official na higit isang bilyong piso ang nakolekta mula sa compliant AACS bilang cash bond na katumbas ng tatlong buwan ng PCSO share sa Guaranteed Minimum Monthly Retail Receipts (GMMRR).

Nakapagkoleta rin ng lagpas 23 milyong piso mula sa AACS na may utang sa PCSO.

Magtatakda rin ng deadline ang PCSO para sa mga non-compliant AACS, habang ang mga delikwenteng AACS ay aabisuhan para sa kanilang termination.

Nilinaw ng PCSO na ang mga STL agents na nag-o-operate ngayon ay ilegal hangga’t hindi pa inaaprubahan ang revised IRR.

Facebook Comments