PAGCOR, hihigpitan ang seguridad sa mga casino

Hihigpitan na ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang seguridad sa mga Casino.

Ito ay para matugunan ang tumataas na kaso ng gambling-related crimes partikular ang pagdukot sa mga casino players.

Nakipagpulong na ang PAGCOR sa mga lisensyadong casino operators, maging sa PNP Anti-Kidnapping Group at sa Bureau of Immigration (BI) hinggil dito.


Ayon sa PAGCOR na plano nilang i-accredit at i-regulate ang mga casino financiers base sa implementing rules and regulations (IRR) para sa lending companies na inilatag ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), Securities and Exchange Commission (SEC) at iba pang regulatory agencies.

Nakapagdokumento ang PNP-AKG ng 19 na casino-related kidnapping incidents mula Enero hanggang Agosto ngayong taon.

Facebook Comments