Cauayan City, Isabela- Kasalukuyang binabantayan ngayon ng Cagayan Valley Medical Center (CVMC) sa Tuguegarao City ang apatnapu’t anim (46) na pasyente na kinabibilangan ng mga COVID-19 positive at suspected cases.
Sa ibinahaging impormasyon ni Dr. Glenn Matthew Baggao, medical chief ng CVMC, nasa dalawampu’t pitong (27) positibo sa COVID-19 ang naka-isolate sa ospital na naitala mula sa iba’t-ibang bayan ng Cagayan at Isabela.
Mula sa 27 na COVID-19 patients sa CVMC, labing tatlo (13) ang galing sa Cagayan kung saan pito (7) sa Tuguegarao City, tig-isa (1) sa Atulayan Sur, Tanza, Ugac Sur, Ugac Norte, Villa Maria, Centro, Solana, Sampaguita, Lallo at Tuccalan; apat (4) sa bayan ng Enrile habang tig-dalawa (2) naman sa bayan ng Caritan Centro at Liwan Sur.
Sa Lalawigan ng Isabela ay labing apat (14) pa ang naka-admit sa CVMC kung saan walo (8) ang mula sa City of Ilagan, lima (5) sa Tumauini, at isa (1) sa bayan ng Roxas.
Samantala, nasa labing siyam (19) naman na mga suspected cases ang binabantayan ng nasabing ospital na galing mula sa Cagayan, Isabela, Kalinga at Apayao.
Labing isa (11) ang galing sa Cagayan, lima (5) sa Isabela, dalawa (2) sa Kalinga at isa (1) sa Apayao.