Cauayan City, Isabela- Nasa kabuuang 190 personnel ng Philippine Statistics Authority (PSA) Isabela ang mangangasiwa sa pagkuha ng mga demographic profile ng mga household head para sa National ID system.
Ayon kay Julius Emperador, Statistical Specialist, pagbabasehan ng mga personnel ang listahan mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa pagkakaroon ng nasabing ID sa bansa.
Tinatayang nasa 303,000 ang mga low-income families na listahang ipinasakamay ng DSWD sa PSA upang beripikahin para sa national ID system.
Kukuhanin ang demographic data ng isang indibidwal gaya ng pangalan, date at place of birth, blood type, marital status, permanent at present address, at iba pa.
Kailangan din na pumunta ng isang indibidwal sa mga designated registration center para sa biometrics na magsisimula sa Nobyembre 25.
Bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2022, target ng PSA na makapagparehistro ang nasa 90 milyon Pilipino sa national ID system.
Samantala, nasa 95% na ang natatapos sa ginagawang census ng PSA sa mga pamilya sa probinsya.,