NBI, sinimulan na ang imbestigasyon sa nangyaring riot sa Bilibid noong Biyernes

47

Kinumpirma ni Justice Secretary Menardo Guevarra na sinimulan na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang imbestigasyon nito sa nangyaring riot ng mga preso sa New Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa noong Biyernes.

Partikular ang naging sagupaan sa pagitan ng Sputnik Gang at Commando Gang sa East Quadrant ng maximum security compound ng NBP kung saan siyam na inmate ang namatay.

Ayon kay Secretary Guevarra, hihintayin niyang matapos ang imbestigasyon ng NBI at ang report ni Bureau of Corrections Director General Gerald Bantag bago siya gumawa ng kaukulang aksyon.

Sa ngayon aniya partial report pa lamang ang kanyang natanggap mula sa BuCor.

Pero inatasan niya aniya ang BuCor na gumawa pa ng mas malalim na imbestigasyon.

Facebook Comments