191 na mga baboy sa isang farm sa North Cotabato, isinalang sa culling

81

Sinimulan na ng Department of Agriculture (DA) ang culling o pagpatay sa 191 na mga baboy na apektado ng African Swine fever (ASF) sa Magpet, North Cotabato.


Ayon kay DA Assistant Secretary Noel Reyes, isinagawa ang culling sa 500 meters radius ng hog farm kung saan nagsimula ang pagkakasakit ng mga alagang baboy.

Sa ngayon aniya ay tatlong barangay na ang apektado ng ASF sa North Cotabato.

June 29, 2020 nang maireport ang kaso ng ASF sa Magpet na mabilis namang inaksyunan ng ahensya.

Inaalam pa ng Bureau of Animal Industry (BAI) kung totoo ang impormasyon na nanggaling sa chorizzo ang pagkalat ng ASF sa lugar.

Pinayuhan din ng DA ang mga hog farmers na ipagbigay-alam agad sa BAI ang pagkakasakit ng mga baboy sa kanilang lugar.

Facebook Comments