Top 7 most wanted sa Noviliches, arestado sa Abra

Bumagsak na sa kamay ng Quezon City Police District ang top 7 most wanted person ng Novaliches Police Station.

Si Joe Patrick Bermillo, 35-anyos ay may kinakaharap na warrant of arrest para sa kasong qualified theft na nakasampa sa Quezon City Regional Trial Court, Branch 224.

Maliban dito, may kinakaharap din itong bench warrant of arrest para sa kasong carnapping na nakahain sa Bangued Abra RTC, Branch 2.


Naaresto si Bermillo sa Bangued Public Market, Zone 2, Bangued, Abra.

Facebook Comments