195 bagong immigration officers, ipakakalat sa mga paliparan sa buong bansa sa 2022

195 immigration officers ang ipakakalat ng Bureau of Immigration (BI) sa mga paliparan sa unang bahagi ng 2022.

Partikular na ipakakalat ang mga bagong immigration officer sa major airports sa Luzon, Visayas at Mindanao, gayundin sa border crossing stations sa Mindanao.

Una nang inanunsyo ng BI ang ginagawa nilang paghahanda sa pagdating sa bansa ng malaking volume ng international travelers.


Sa harap ito ng patuloy na paglaki ng bilang ng mga nababakunahan sa bansa kontra COVID-19.

Facebook Comments