Tumanggap ng P1,680 ang bawat benepisyaryo ng naturang programa para sa sampung (10) araw na inilaan nila sa trabaho sa iba’t ibang tanggapan ng LGU Aglipay.
Iginiit ni DOLE-QFO Head Laura B. Diciano ang mandato ng kanilang ahensya na makapaglingkod sa publiko partikular sa probinsya na higit na naapektuhan ng pandemya.
Samantala, nagpasalamat naman si Municipal Mayor Jerry T. Agsalda sa pagbibigay ng DOLE ng tulong sa kanyang mga kababayan kasabay ng paghimok sa mga benepisyaryo na gamitin ang kanilang sahod sa kanilang edukasyon.
Ang SPES ay isang programa na layong tulungan na mabigyan ng pansamantalang trabaho ang mga mahihirap pero karapat-dapat na estudyante, out-of-school youth at iba pang sektor para tugunan ang pangangailangan ng pamilya gayundin ang pagsisigurong maipagpapatuloy ng mga ito ang kanilang edukasyon.