Reina Mercedes, Isabela – Nakapagtapos na ng Community Base Rehabilitation Program o CBRP ang 196 na tokhang responders sa Reina Mercedes, April 30,2018.
Ayon kay Police Senior Inspector Michael Esteban, hepe ng Reina Mercedes nakapaloob sa CBRP ang isinagawang moral recovery, physical at healthy development,community services at counselling para sa mga responders sa loob ng anim na buwan.
Paliwanag ni Inspector Esteban na sa anim na buwan ay may inilaan na araw at oras sa mga aktibidad ng CBRP kung saan pinangunahan ito ng PNP Reina Mercedes at ang Barangay Anti Drug Abuse Council o BADAC.
Iginiit pa ni Esteban na patuloy ang BADAC sa monitoring ng mga nagtapos ng CBRP upang masigurado na sila ay hindi na muling masangkot sa droga.
Kaugnay nito, ang awarding ng Certificate of Appreciation and Tokens sa mga panauhin ay pinangunahan ni Hon. Mayor Anthony P. Respicio.
Samantala may 34 na tokhang responders ang hindi pa nakumpleto ang kanilang CBRP dahil sa mga trabaho at ang iba ay mula pa sa malayong lugar.