197 Pamilya sa Cagayan, Inilikas dahil sa Epekto ng Pag-uulan

Cauayan City, Isabela- Umabot na sa kabuuang 197 na pamilya ang inilikas ng mga otoridad dahil pa rin sa malawakang pagbaha na epekto ng tuloy-tuloy na nararanasang pag-uulan sa lalawigan ng Cagayan.

Batay sa datos na inilabas ng Provincial Government, 91 pamilya o 372 indibidwal mula sa isang barangay sa Tuguegarao City; 76 pamilya o 279 indibidwal mula sa tatlong barangay sa bayan ng Claveria; at 30 pamilya o 120 indibidwal mula sa isang barangay sa Sanchez Mira ang nasa mga evacuation center ngayon dahil sa nananatiling lubog sa baha ang kani-kanilang kabahayan.

Bukod dito, ilang kalsada rin ang nananatiling sarado na sakop ng mga barangay ng Santiago, Malilitao, Kilkiling, Taggat Sur, D. Leaño sa Claveria habang lubog din sa umapaw din ang tubig sa Bunagan Bridge at sarado ang daan sa San Juan-Naruang-Batu road sa bayan ng Enrile.


Ilan din sa mga tulay na pansamantalang hindi madaanan ay ang Tana-Annabuculan at Goran-Cordova sa Amulung at Sitio Nattalag Bridge sa Brgy. Manga.

Apektado rin ang ilang tulay at kalsada sa mga bayan ng Rizal, Baggao, Solana, Santa Praxedes at Pinacanauan overflowbridge sa Tuguegarao City.

Facebook Comments