198 Barangays, Nananatiling Apektado ng Illegal Drugs sa Region 2; Bayan ng Mallig, Drug-Cleared

Cauayan City, Isabela- Labing-isang (11) barangay mula sa tatlong bayan ng Isabela ang drug-cleared na matapos igawad ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa ilalim ng Regional Oversight Committee on Barangay Drug Clearing Program Region 2 (ROCBDC2) ang kanilang sertipikasyon na isinagawa sa Municipal Compound, Echague, Isabela kahapon, March 18, 2022.

Kabilang ang mga barangay ng Bacradal, Gucab, Pangal Sur, Villa Victoria sa Echague; San Roque sa San Mateo, at Dicamay 1, Fugu, San Isidro, San Sebastian, Lacab, Sta. Isabel sa Jones, Isabela.

Kaugnay nito,198 na lang ang natitirang barangay na apektado ng illegal na droga sa buong lambak ng Cagayan ang nakatakdang isailalim rin sa clearing batay sa datos ng PDEA region 2.

Una nang idineklarang drug-cleared municipality ang Mallig na kauna-unahang bayan para sa taong 2022.

Facebook Comments