Higit 400 piraso ng deadly weapon, nakumpiska sa maximum security compound ng NBP; 500 kubol, giniba!

137

Umabot sa mahigit 400 piraso ng deadly weapon ang nakumpiska ng mga awtoridad sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.

Kasunod na rin ito ng ginawang pagsalakay ng Bureau of Corrections (BuCor) sa maximum security compound.

Ayon kay BuCor Spokesperson Gabriel Chaclag, bukod sa mga armas, 500 kubol din ang kanilang giniba sa west quadrant ng maximum security compound na ginagawang taguan ng mga armas o kontrabando ng mga Persons Deprived of Liberty (PDL).


Maliban dito, may ilang piraso rin ng cellphone ang nakumpiska.

Ito na ang pang-apat at huling quadrant na giniba sa maximum security compound.

Facebook Comments