198 Ektarya ng Palayan sa Isabela at N. Vizcaya, Apektado ng Peste

Cauayan City, Isabela- Umaabot sa 198 ektarya ng palayan sa lalawigan ng Isabela at Nueva Vizcaya ang apektado ngayon ng pamemeste ng brown planthopper (BPH) insect, ayon sa Department of Agriculture (DA)region 2.

Ayon kay DA Science Research Specialist Mindaflor Aquino, hinihimok nito ang mga magsasaka na maging mapagmatyag matapos makatanggap ng report ang ahensya na 35 ektarya ng lupain sa Baggao ang apektado rin umano ng nasabing peste.

Dagdag ng opisyal, bagama’t hindi ito ang unang pagkakataon na nakapaminsala ang naturang insekto sa rehiyon, limang taon na ang nakakaraan subalit manageable ito noon kumpara sa kasalukuyang sitwasyon.


Sinabi pa ni Aquino na isang factor ang pabago-bagong panahon lalo na sa unang quarter ng taon.

Kaugnay nito, nagsagawa na ang ahensya ng field demonstrations para sa gagawing hakbang ng mga magsasaka gaya ng paglalagay ng isang uri ng pamatay sa planthopper na ilang bayan sa Isabela ang apektado gaya sa Brgy. San Miguel sa bayan ng Burgos.

Binigyang-diin rin ng opisyal na ang pagbiyahe ng mga ‘dayami’ sa ibang mga lugar ay maaaring makapagdulot ng pagkalat ng nasabing insekto.

Samantala, hinihimok nito ang mga magsasaka na agad ipagbigay-alam ang anumang insidente sa pinakamalapit na tanggapan ng ahensya o ang Regional Crop Protection Center sa City of Ilagan para sa mabilis na aksyon.

Sa ulat ng Pestnet.org, ang labis umano na paggamit ng insekto ay nagiging sanhi ng paglaganap ng mga brown planthoppers dahil pinapatay ng mga insekto ang mga natural na mandaragit ng nasabing mga peste.

Gayunman, sa report ng DA particular sa pest and disease occurrences sa rehiyin mula taong 2015 hanggang 2019 kung saan dapat maingat din ang iba pang peste maliban sa kategorya ng BPH gaya ng armyworms or cutworms, rodents, rice black bugs.

Photo: Pestnet.org// Brown Planthopper

Facebook Comments