Mismong si DOLE Secretary Silvestre ‘Bebot’ H. Bello III ang nanguna sa pamamahagi ng mga kagamitan sa mga benepisyaryo.
Labis naman ang pasasalamat ng kalihim sa mga frontline workers dahil sa kanilang dedikasyon sa trabaho sa harap ng nararanasang pandemya dulot ng COVID-19 virus.
Samantala, nagpasalamat rin si CVMC Chief Dr. Matthew Baggao sa ahensya dahil sa iniabot na tulong para sa mga benepisyaryo ng proyekto.
Ang FreeBis project ay bahagi ng patuloy na tulong sa mga formal at informal sector workers na apektado ng pandemya at mabigyan ng tulong ang mga nawalan ng trabaho sa pamamagitan ng livelihood programs.
Kasama rin ang iba pang opisyal ng pamahalaan sa pamamahagi ng tulong gaya ni DOLE Undersecretary Benjo Santos S. Benavidez, POEA Administrator Bernard P. Olalia, Regional Director Joel M. Gonzales, Assistant Regional Director Jesus Elpidio B. Atal, Jr., Tuguegarao City Mayor Jefferson Soriano at Dr. Mariden V. Cauilan, na kumakatawan kay CSU President Dr. Urduja G. Alvarado.