1993 Miss Universe Dayanara Torres, may cancer

Manila, Philippines – Kinumpirma ni 1993 Miss Universe Dayanara Torres na na-diagnosed siya ng skin cancer, batay sa biopsy.

Sa Instagram post ng Puerto Rican Beauty Queen, inihayag nito ang malungkot na balita matapos malaman na mayroon siyang skin cancer na ‘melanoma’ mula sa isang malaking spoto mole na hindi niya noon pinapansin.

Dahil sa pagwawalang bahala, lumaki aniya ito makalipas ang ilang taon.


Agad naman hinikayat si Dayanara ng fiancé nito na si Marvel co-producer Louis D’Esposito na sumailalim sa gamutan.

Bunsod ng pangyayari, nagbigay ang beauty queen sa mga nanay na palaging inu-una ang pamilya bago ang sarili.

Say nito, bilang isang ina, dapat din umanong alaga nito ang kanyang sarili at agad na magpa-check up kung may nararamdaman.

Facebook Comments