Isang Laborer, Huli sa kasong Frustrated Murder!

Roxas, Isabela – Bagsak kulungan ang isang manggagawa matapos isilbi ang Warrant of Arrest nito pasado alas onse kaninang umaga sa Brgy. Simimbaan, Roxas, Isabela

Ang naaresto ay kinilalang si Elife Panahon Santos, trentay syete anyos, may asawa at residente ng Brgy. Dona Concha, Roxas, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, hinuli ng mga kasapi ng PNP Roxas si Santos sa bisa ng madamiento de aresto na ipinalabas ni hukom Bernabe B. Mendoza ng RTC Branch 23, Roxas, Isabela dahil sa kaso nitong Frustrated Murder.


Nasa himpilan na ng pulisya ng Roxas ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Makakalaya lamang si Santos kung makakapaglagak ng kaniyang piyansa na nagkakahalaga ng dalawang daang libong piso (P200,000.00).

Facebook Comments