19th IB at 90th IB may bagong Commander

Nilahukan ni 6th ID Commanding General MGen Arnel Dela Vega ang isinagawang Joint Turn- Over of Command Ceremony para sa mga bagong opisyales ng 90th IB at 19th IB.

Itinalaga bilang bagong 90th IB Commander ang dating 19th IB BatCom na si LTC CRIZALDO A FERNANDEZ INF . Habang itinalagang bagong 19th IB Commander si LTC EHRICH NOEL V PARASO.

Nagpapasalamat naman si outgoing 90th IB Commander at kasalukuyang Joint Task Force Central at 6th ID CMO LTC Gerry Besana kasabay ng pangakong magpapatuloy sa pagbibigay ng serbisyo para sa katiwasayan ng buong nasasakupan ng Kampilan Division.


Iginiit rin ni CG Dela Vega na magiging prayoridad pa rin ng 6th ID ang kaligtasan ng bawat isa na sa ilalim ng kanilang nasasakupan at mapanatili ang kapayapaan sa bawat bayan. Kaugnay nito patuloy ang paghikayat ng 6th ID sa lahat na makiisa sa kanilang adbokasiya.
6th ID CMO Pics


Facebook Comments