Ikinalugod ni House Majority Leader at Zamboanga City Representative Manuel Jose Dalipe ang mabilis na paglagda ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos sa 2023 national budget.
Tiwala si Dalipe na ang agarang pagsasabatas ng pambansang pondo para sa susunod na taon ay makakatugon sa pangangailangan ng mamamayang pilipino.
Ayon kay Dalipe, ang record-breaking enactment ng P5.268 trillion 2023 budget ay patunay ng hindi mapapantayang commitment ng Marcos Jr., administration na agad masimulan ang mga inilatag nitong program.
Ito ay upang mapabilis ang pagbangon ng ating ekonomiya mula epekto ng pandemya.
Malinaw ayon kay Dalipe na nakatutuok si Pangulong Marcos sa pagtugon sa pangangailangan ng taumbayan.
Facebook Comments