LUNGSOD NG SAN FERNANDO, NAKATAKDANG BUMUO NG CHILD PROTECTION POLICY

Bubuo ng Child Protection Policy ang lungsod ng San Fernando bilang pagprotekta sa karapatan ng mga kabataan dito.
Sa isinagawang Child Protection Policy Day Seminar, dumalo dito ang council for protection of Children.
Iba’t-ibang ahensya ng gobyerno ang kabilang dito gaya ng DepEd, PNP, DILG maging ang DMMMSU, Saint Louis College, at Civil Society Organizations.

Inaasahan na ang lungsod ang kauna-unahang LGU sa region 1 na magkakaroon ng Child Protection Policy.
Ang naturang polisiya ay magsisilbing guidelines sa mga empleyado ng siyudad upang matugunan ang pangangailangan ng kabataan. |ifmnews
Facebook Comments